Panibagong COVID-19 variant, nadiskubre sa South Africa; UK, nagpatupad agad ng travel ban
Spread the news on:

Mayroong bagong strain ng COVID-19 variant na mayroon nang multiple mutations ang na-detect sa South Africa.

Ayon kay Prof. Tulio de Oliveira, isang virologist at director ng Centre for Epidemic Response and Innovation in South Africa na ito ang dahilan ng muling pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa rehiyon.

“Unfortunately we have detected a new variant which is a reason for concern in South Africa,” pahayag ni Oliveira sa isang news conference.

Dagdag pa ni Oliveira na kakaiba ito sa mga naunang variants na kumalat.

“The variant did surprise us, it has a big jump on evolution [and] many more mutations that we expected,” paliwanag ni Oliveira.

“It’s unfortunately causing a resurgence of infections,” giit pa ni Oliveira.

Ang nasabing variant ay may scientific lineage number B.1.1.529.

Ayon pa sa eksperto, ang nasabing bagong variant ay na-detect din sa Botswana at Hong Kong mula sa South Africa travelers.

May 77 kumpirmadong kaso sa Gauteng province ng South Africa, apat na kaso sa Botswana at isang kaso sa Hong Kong.

Dagdag pa ng eksperto na hindi bababa sa 10 mutation ang B.1.1.529 variant kumpara sa Delta na mayroon lang dalawa o tatlo.

Sinabi naman ni Health Minister Joe Phaahla na ang bagong variant ay “serious concern” at nasa likod ng “exponential” na pagtaas ng kaso ng COVID.

Ang bagong variant ay kakaiba sa orihinal na nakita sa Wuhan, China kung saan ang mga bakunang  ginawa na ginamitan ng original strain ay maaaring hindi ganoon ka-epektibo.

“What gives us some concerns [is] that this variant might have not just have enhanced transmissibility, so spread more efficiently, but might also be able to get around parts of the immune system and the protection we have in our immune system,” ayon naman kay Prof. Richard Lessells ng University of KwaZulu-Natal sa South Africa.

Pero, hindi pa nakikita kung ito ay mas mabilis kumalat gaya ng Delata variant, kung ito ay mas malala o hanggang saan ang proteksyon ng mga bakunang ibinibigay.

UK Travel Ban

Inanunsyo ng Britanya ang kanilang pagkabahala sa bagong coronavirus na kumakalat sa South Africa kung saan posible na hindi ganoon gumana ang mga bakuna laban dito.

Dahil sa bagong South African variant, ang B.1.1.529, magpapatupad ng travel ban ang United Kingdom sa mga biyaherong mula sa South Africa, Namibia, Lesotho, Eswatini, Zimbabwe at Botswana simula rito ngayong Biyernes, Nov. 26.

“The early indication we have of this variant is it may be more transmissible than the Delta variant and the vaccines that we currently have may be less effective against it,” ayon kay UK health secretary Sajid Javid.

Ayon naman ng UK Health Security Agency na ang nasabing bagong variant ay may spike protein na sobrang kakaiba sa pinagbasehan ng COVID-19 vaccines.

“This is the most significant variant we have encountered to date and urgent research is underway to learn more about its transmissibility, severity and vaccine-susceptibility,” ani UKHSA Chief Executive Jenny Harries.

Sa nakalipas na 24 oras nakapagtala ang Britanya ng 47,000 bagong kaso ng COVID-19. Toni Tambong

(Toni Tambong)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.