DOH: COVID-19 hindi pa kontrolado; karagdagang pag-aaral kinakailangan pa rin
Spread the news on:

Kailangan pa ng karagdagang pag-aaral bago maideklara ng Pilipinas na kontrolado nito ang pagkalat ng COVID-19, ayon sa Department of Health.

Ito ay sa kabila ng pagbaba ng mga bagong impeksyon at pagbaba ng positivity rate sa nakalipas na ilang araw.

Nananatiling mas mababa sa 3,000 ang daily cases ng COVID-19 infections sa loob ng 24 na araw.

“Marami pang uncertain na nangyayari sa atin. Na-experience na natin in the past na napababa ang kaso but after sometime, tumaas pa rin. Kailangan natin ng longer period to assess and evaluate what is happening,” pahayag ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Nasa 2.3 percent ang COVID-19 positivity rate, ang ika-13 sunod na araw na mas mababa sa 5 percent, ang threshold ng World Health Organization.

Ang mataas na positivity rate ay nangangahulugan ng mataas na antas ng virus transmission.

“Kailangan pang pag-aralan nang maigi, further studies, further evaluation because a lot of things are very uncertain at this point,” sinabi pa ni Vergeire.

“If we compare to other areas in the country, some areas mababa pa rin ang pagbabakuna. Nakikita pa rin nating kailangan natin tulungan ang local governments nila for them to intensify their community response,” paliwanag ng DOH official.

Ayon sa DOH, ang malawakang pagbabakuna sa bansa ay isa lamang sa dahilan sa pagbaba ng bilang ng COVID-19 infections.

Sa kasaluyan, nasa 34.5 milyong indibidwal na ang fully vaccinated habang mahigit 43.9 milyon naman ang nakatanggap pa lamang ng unang dose.

Target naman na na bakunahan ang nasa 77.1 milyong indibidwal sa bansa upang maabot ang herd immunity laban sa COVID-19.

(Jocelyn Domenden)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.