Comelec, itinangging binibigyan ng special treatment si Bongbong Marcos
Spread the news on:

Itinanggi ng Commission on Elections (Comelec) na binibigyan nito ng special treatment si presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos na nahaharap sa petisyon upang kanselahin ang kanyang certificate of candidacy (COC) sa May 2022 elections.

Nauna rito, niluwagan ng poll body ang mga patakaran nito upang mapagbigyan ang tugon ng dating senador.

Ito ay sa kabila ng pagtutol ng mga petitioner sa anumang extension sa deadline.

“The Comelec does have the authority to disregard procedural rules, which is normal. Even the courts do that,” sinabi ni Comelec spokesperson James Jimenez.

“There is no special treatment there,” giit ni Jimenez.

Sinabi ni Jimenez na hindi ito ang unang pagkakataon na nagbigay ang Comelec ng extension para makapaghain ng tugon.

“In other cases, it has been done that the motion to admit, motion to extend, things like that, have been granted. If in the interest of justice, the Comelec gives that extension,” ayon pa kay Jimenez.

Ang petisyon ay inihain ng ilang civic groups laban kay Marcos kung saan sinasabing siya ay convicted dahil sa kabiguang makapagsumite ng income tax return noong 1980 kaya hindi siya maaaring tumakbo sa anumang posisyon.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.