Record-high cases ng COVID-19 sa Europe; booster shot program pinalawig
Spread the news on:

(Photo courtesy: Italian Red Cross/IFRC)

Umabot sa record-high ang bilang ng COVID-19 infections sa ilang bansa sa Europe nitong Miyerkules.

Kabilang dito ang Slovakia, Czech Republic, Netherlands at Hungary kaya’t ayon sa World Health Organization, sentro muli ng pandemya ang kontinente.

Sa Czech Republic at Netherlands, hindi bababa sa 23,000 ang naitalang daily infections nitong November 24.

Pinalala ito ng pagpasok ng winter o taglamig.

Dahil dito, muling ipinatutupad ang restrictions sa paggalaw, at pinalalawig ang programa sa pag-roll out ng booster shots.

Inirekomenda na ng European Centre for Disease Prevention and Control (ECDC) ang booster shots para sa mga edad 40 pataas, hindi lamang sa mga senior citizens o iyong mahihina ang immune system.

“Available evidence emerging from Israel and the UK shows a significant increase in protection against infection and severe disease following a booster dose in all age groups in the short term,” ayon sa ECDC sa panayam ng Reuters.

Ayon sa ECDC, kailangang mapabilis ang pag-roll out ng booster shots upang maiwasan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 deaths at hospitalization pagsapit ng Disyembre at Enero.

Ilan sa mga bansang pinaigting na ang booster shot program ay ang Sweden at Portugal.

Samantala, muling nagpatupad ng lockdown sa Slovakia at Austria.

Maghihigpit naman ang Italy sa pagkilos at paglabas ng mga hindi pa vaccinated, kabilang ang pagbabawal sa pagpunta sa restaurants, cinemas at sports events simula December 6.

Ang France naman ay mag-aanusyo ng mga bagong paghihigpit ngayong linggo.

(PSH-NP)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.