NTF: COVID-19 sa Pilipinas, pwede nang ituring na kontrolado
Spread the news on:

Sinabi ng National Task Force Against COVID-19 official na maaari nang iklasipika bilang ‘controlled’ o kontrolado na ang COVID-19 situation ng Pilipinas dahil sa patuloy na bumababang positivity rate.

Sa briefing, sinabi ni Dr. Ted Herbosa na ang positivity rate o nagpopositibo sa COVID sa Pilipinas ay nasa 2.8% na lamang.

“I think we can be labeled as controlled kasi walang masyadong new cases sa COVID.”

Paliwanag pa ng Department of Health, ang positivity rate ay mas mababa na sa 5% sa loob ng magkakasunod na 13 araw.

“Puwede pa rin siyang mag-resurgence dahil nandoon pa rin sa test positivity rate na above zero. Pag nag-zero iyan, iyan ang eliminated,” punto pa ni Herbosa.

Matatandaang sinabi ni Department of Health Secretary Francisco Duque III na hihingin nila ang komento ng WHO kung naabot na ba ng Pilipinas ang mga barometro para masabing kontrolado na ang COVID-19 situation sa bansa.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.