Mga senador, pumalag sa utos ng China na alisin ng Pilipinas ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal
Spread the news on:

(Photo courtesy: PTV)

Pumalag ang ilang senador sa utos ng China na alisin ng Pilipinas ang BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.

Ang BRP Sierra Madre ang barko ng Pilipinas na itinalaga mula pa noong 1999 para magsilbing outpost ng Philippine Navy.

“The 2016 arbitral ruling declared that Ayungin Shoal belongs to the Philippines… China has no right to dictate what we can do within our waters… [This] is another display of utter arrogance and aggression that we must not take sitting down,” ayon kay Senator Grace Poe.

Ayon kay Poe, bukod sa diplomatic protest, dapat pag-ibayuhin ng gobyerno ang alyansa sa mga kalapit bansa.

“The government should step up efforts in rallying our neighbors to form a united front against China in the South China Sea,” ayon kay Poe.

Ayon naman kay Senator Ping Lacson, walang karapatan ang China sa Ayungin Shoal, lalo pa ang paalisin ang tropa ng Pilipinas doon.

“Talagang napakaliwanag, tayo talaga iyong merong sovereign rights doon sa EEZ [exclusive economic zone] na tinatawag, at walang karapatan ang Tsina,” sambit pa ni Lacson.

Hindi rin naniniwala si Lacson na may anumang kasunduan sa Pilipinas ang China para alisin ang BRP Sierra Madre.

“I don’t think there was an agreement and I couldn’t imagine the Philippine government, much less the Foreign Affairs Department, na papasok sa kasunduan na tatanggalin natin iyong Sierra Madre. May mga tropa tayo doon,” ayon kay Lacson.

Para naman kay Senator Joel Villanueva, ang China ang trespasser sa Ayungin Shoal.

“Trespassers have no right to issue an eviction order. Ayungin Shoal is part of the continental shelf… No way should it be the graveyard of our sovereignty,” ayon kay Villanueva.

Matatandaang noong November 16 ay hinarang at binomba ng tubig ng mga barko ng China ang mga bangkang magdadala sana ng supply sa BRP Sierra Madre.

Pero sinabi naman ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na noong Martes, November 23 ay nagtagumpay ang resupply mission sa Ayungin shoal sa kabila ng “harassment and intimidation” ng  Chinese vessels.

(Estrella Bueno)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.