Higit 3M kabataan edad 12-17, bakunado na kontra COVID-19
Spread the news on:

(Photo Courtesy: Manila PIO FB)

Umabot na sa mahigt na tatlong milyong kabataan na edad 12-17 ang bakunado na laban sa coronavirus disease (COVID-19), ayon mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“I am very pleased to know that we have already vaccinated more than three million minors aged 12 to 17 as of today. Marami ‘yan, three million,” sabi pa ng Pangulo sa kanyang Talk to the Nation.

Ang pagbabakuna sa lahat ng menor de edad o 12 hanggang 17-anyos ay sinimulan noong November 3 sa National Capital Region habang ang nationwide implementation ay isinagawa naman noong November 5.

Inaasahan namang sa January 2022 o sa unang quarter ng susunod na tao ay posibleng makumpleto na ang pagbabakuna sa mga kabataang may edad 12 hanggang 17, ayon naman kay Health Secretary Francisco Duque III.

“Kung 100% ng 12.7 million, baka ‘yan ay umabot ng Ene­ro, first quarter ng 2022,” ayon pa kay Secretary Duque.

Target aniya ng gobyerno na mabakunahan laban sa COVID-19 ang 80 porsyento ng nasabing age group sa pagtatapos ng December, batay na rin sa unang pahayag ng National Task Force.

Samantala, nakatanggap naman ang Pilipinas ng kabuuang 134.4 milyong COVID-19 vaccine doses mula sa iba’t ibang manufacturers.

Iniulat din ng Pangulo na may 76.5 milyong vaccine doses na ang naiturok sa bansa.

“Of this number, 41.9 million have [been given as] the first dose or more than 33.5 million are given second dose and single-dose shots,” ayon pa sa Pangulo.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.