Duterte: Mga empleyadong a-absent sa trabaho para magpabakuna sa National Vaccination Days, walang “bawas-sweldo”
Spread the news on:

Hindi mamarkahang “absent” ang mga empleyado na magpapabakuna laban sa Covid-19 sa isasagawang 3-day National Vaccination sa November 29 hanggang December 1.

Ito ay matapos na pirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Proclamation 1253 na naglalaman ng kautusan kahapon, Nov. 24.

Kailangan lamang na magpakita ng “proof of inoculation” ang mga empleyadong magpapabakuna laban sa Covid-19.

Nakasaad din kasi sa proklamasyon na maaring lumiban sa trabaho ang lahat ng mga empleyado na magpapabakuna sa mga nasabing araw nang hindi nama-markahang absent o nakakaltasan ng sahod.

Kasabay nito, idineklara rin ni Pangulong Duterte ang November 29, 30 at December 1 bilang “Bayanihan, Bakunahan National COVID-19 Vaccination Days.”

Sa naturang proklamasyon, inatasan ni Pangulong Duterte ang lahat ng ahensya ng pamahalaan na magtulong-tulong para sa nasabing programa.

Inaprubahan din ng Malakanyang na gawing special working day ang November 29 at December 1, 2021.

Ayon pa sa pangulo, ang pagbabakuna kontra Covid-19 sa iba’t-ibang sektor ay para tuluyan nang makabangon ang bansa mula sa pandemic.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.