975 na Covid-19 cases, naitala ngayong araw
Spread the news on:

Naitala ng Department of Health (DOH) ang 975 na panibagong kaso ng COVID-19 sa bansa ngayong araw, November 25.

Sa loob ng dalawang magkasunod na araw ay nananatiling mas mababa pa rin sa isang libo ang bilang ng nahawahan ng sakit.

Pumalo na rin sa 2,829,618 ang kabuuang bilang ng nagkasakit sa bansa dahil sa virus.

Samantala, mayroon namang naitalang 1,029 na gumaling at 193 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.6% (17,796) ang aktibong kaso, 97.7% (2,763,947) na ang gumaling, at 1.69% (47,875) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, 2 laboratoryo ang hindi operational noong November 23, 2021 habang mayroong 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Nagpaalala naman ang DOH na sumunod pa rin sa minimum public health standards gaya ng palagimh pagsusuot ng facemask na may faceshield, mag-physical distancing, at maghugas ng kamay.

Agad din na magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.

Sa darating na November 29 hanggang December 1 ay itinakda na ang 3-day National Vaccination para mabakunahan na ang maraming mga Pilipino.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.