890 Covid-19 cases, naitala ngayong araw, Nov. 24
Spread the news on:

 Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 890 na panibagong COVID-19 cases ngayong Miyerkules, November 24.

Kaya naman umakyat na sa 2,828,660 ang kabuuang bilang ng mga nagkasakit dahil sa virus sa bansa.

Ito na ang pinakamababang bilang ng nagkasakit ngayong taon simula noong hanggang noong December  29,2020 kung saan mayroong 886 na infection ang naitala ng health department.

Mayroon namang naitalang 1,710 na gumaling at 200 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.6% (17,864) ang aktibong kaso, 97.7% (2,763,114) na ang gumaling at 1.69% (47,682) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, 2 mga laboratoryo ang hindi operational noong November 22, 2021.

Mayroon namang 3 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS). 

Samantala, nagpaalala naman ang DOH sa publiko na huwag maging kampante sa banta ng COVID-19.

Kailangan pa ring sumunod sa minimum public health standards.

Palaging magsuot ng facemask na may face shield, mag-physical distancing at maghugas ng kamay.

Agad ring magpabakuna upang makakuha ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.

Itinakda naman ng gobyerno ang 3-day National vaccination sa darating na November 29 hanggang December 1.

Nanawagan namang ng suporta ang gobyerno mula sa lahat ng ng ahensya ng gobyerno para mabakunahan na ang target na population ng bansa para makamit ang “herd immunity.”

 

(NP)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.