NASA spacecraft ila-launch upang ilihis ang direksyon ng asteroid
Spread the news on:

(Photo courtesy: NASA/Space.com)

Maglulunsad ng spacecraft ang NASA ngayong November 24. Ang misyon nito: sagupain ang isang asteroid upang ilihis ang trajectory o direksyon nito.

Ito ay ang DART mission o Double Asteroid Redirection Test, at ila-launch gamit ang SpaceX Falcon 9 rocket mula sa Vandenberg Space Force Base sa California, USA.

Ang target nito ay ang Dimorphos, isang maliit na buwan na nag-o-orbit sa asteroid Didymos.

Kung para itong kuwento sa pelikulang “Armageddon,” huwag mangamba.

Ayon sa mga eksperto, walang direktang banta sa planet Earth ang asteroid na Didymos.

Ngunit ito ang unang full-scale testing ng space technolody na ilihis ang direksyon ng isang asteroid bilang bahagi ng planetary defense, magkaroon man ng banta sa hinaharap.

(In photo: Ang DART mission o Double Asteroid Redirection Test na ilulunsad upang ilihis ang trajectory ng isang asteroid. Courtesy: SpaceX)

Ang resulta ng testing ay makikita sa September 2022 pa kapag nakarating na ang spacecraft sa Dimorphos na may layong 11 million kilometers mula sa Earth.

Itinuturing na “near-earth” ang isang asteroid o comet kapag ito ay nasa distansyang 48 million kilometers mula sa ating mundo, at anumang banta nito ay parating binabantayan ng NASA at iba pang international space organizations.

“Astronomers will be able to compare observations from Earth-based telescopes before and after DART’s kinetic impact to determine how much the orbital period of Dimorphos changed,” ayon kay Tom Statler, DART program scientist sa NASA Headquarters.

“Potentially hazardous asteroids are a global concern… DART is a first step in testing methods for hazardous asteroid deflection,” ayon kay Andrea Riley, DART program executive sa NASA.

(PSH-NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.