Mayor Sara, nagpa-drug test din; negatibo ang resulta
Spread the news on:

Negatibo ang resulta ng drug test ni Vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio matapos na sumailalim sa pagsusuri.

Ito ang inanunsyo mismo ngayong Miyerkules ni Mayor Sara.

“Today, I took a drug test that yielded negative of any illegal substances. This test, I took voluntarily upon the request of my Uniteam partner, Senator Bongbong Marcos, to support the call for transparency as aspiring public officials seeking the trust of our fellow Filipinos,” sabi ni Mayor Sara.

Giit ni Sara na ang tandem nila ni Marcos Jr. ay kaisa sa kampanya kontra iligal na droga.

“This can be seen from both our negative tests as well as our common stance against the proliferation of illegal drugs and the need for effective measures of prevention, rehabilitation, and enforcement,” dagdag pa ni Sara.

Matatandaang ibinulgar ni Pangulong Rodrigo Duterte kamakailan na may isang presidential aspirant na gumagamit umano ng cocaine.

Tinawag din ng Pangulo ng mahinang lider ito, walang nagawa at nakilala lang dahil sa kanyang ama.

Para sa kampo ni Marcos Jr. ay wala naman siyang ikinababahala sa sinabi ng Pangulo dahil naniniwala siyang hindi naman siya ang pinatutungkulan nito.

“I really don’t feel that I am the one being alluded to. In spite of that, I believe it is my inherent duty as an aspiring public official to assure my fellow Filipinos that I am against illegal drugs,” ani Marcos Jr.

Kahapon, Nov. 23, inilabas din ni Marcos Jr. ang negatibong resulta ng kanyang drug test mula sa St. Luke’s Medical Center, Taguig.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.