Mandaluyong at San Juan, mawawalan ng tubig, Nov. 25
Spread the news on:

Mahigit 38,000 kabahayan at establisimyento sa Mandaluyong at San Juan na sinisilbihan ng Manila Water ang mawawalan ng tubig simula bukas, Huwebes, Nov. 25 hanggang 26. Magsisimula ang water interruption alas-11:00 ng gabi.

Ayon sa Manila Water, dahil ito sa gagawing pagpapalit ng valve-operating gear box sa Shaw Boulevard sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City.

Kabilang sa mga apektadong lugar ang:

Mandaluyong City-
Addition Hills
Barangka Drive
Barangka Ibaba
Barangka Ilaya
Barangka Itaas
Highway Hills
Hulo
Malamig
Mauway
Northeast Greenhills
Plainview
Pleasant Hills
Wack-wack East Greenhills

San Juan City-
Greenhills

Inaabisuhan ang mga residente na mag-ipon ng tubig.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.