Korte Suprema, ibinasura ang petisyong nananawagan kay Pang. Duterte na protektahan ang teritoryo ng Pilipinas vs China
Spread the news on:

Ibinasura ng Korte Suprema ang petisyong umaapela kay Pang. Duterte na kasuhan ang China sa pagsaklaw nito sa West Philippine Sea at protektahan ang teritoryo ng bansa.

Ayon sa desisyon ng Korte Suprema, ibinasura nila ang petisyon dahil sa kawalan nito ng merito.

Sa ulat ng abs-cbnnews.com, June 29 pa ngayong taon nang ibaba ang desisyon peron nitong Lunes lang, Nov. 22, nang mailathala sa Supreme Court website.

Unanimous ang mga huwes sa kanilang pagbasura sa petisyon ito ng abogadong kinilalang si Romeo Esmero kung saan iginigiit na ang maging “sole respondent” ay si Pang. Duterte.

Ngunit ayon sa SC, “immune” ang pangulo sa anomang uri ng asunto habang ito ay nasa pwesto.

Sinabi rin sa desisyon ng SC na mali ang hinihingi ng petisyon na writ of mandamus dahil ang isang mandamus plea umano ay para iutos sa isang opisyal ang gawaing bahagi naman ng kanyang obligasyon.

Sa petisyon ni Esmero, kailangan ito para manduhan ang pangulo na protektahan ang teritoryo ng Pilipinas.

Ngunit ayon sa SC, nasa diskresyon ng pangulo kung paano niya isasagawa ang kanyang tungkulin bilang pangunahing otoridad sa ‘external affairs’ ng bansa.

(NP)

 

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.