DND: China, tuloy pa rin sa panghaharas sa mga Pinoy sa Ayungin shoal
Spread the news on:

(Photo credit: AFP; pagdaong ng resupply boats sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal, Nov. 23, 2021)

Kahit naging matagumpay ang resupply mission ng Pilipinas ay hindi pa rin natigil ang panghaharas at intimidasyon ng Tsina sa Ayungin Shoal, ayon sa Department of National Defense.

Sinabi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na sa pagbababa ng mga supply sa Ayungin ay nakaranas pa rin ang tropa ng Pilipinas ng “form of intimidation and harassment” mula sa Chinese coast guard.

Ayon kay Lorenzana, nagpadala ang Chinese coast guard ship sa Ayungin Shoal ng rubber boat na may tatlong sakay at kumuha ng mga litrato at bidyo habang ibinababa ang mga suplay sa BRP Sierra Madre, ang Navy ship na nagsisilbing Philippine outpost sa lugar.

“There was a Chinese coast guard ship in the vicinity which sent a rubber boat with three persons near the Sierra Madre while our boats were unloading and took photos and videos,” ani Lorenzana sa mga reporter.

Ayon kay Lorenzana, inireklamo na niya kay Chinese Ambassador Huang Xilian ang naturang pangyayari.

“I have communicated to the Chinese ambassador that we consider these acts as a form of intimidation and harassment,” giit pa ni Lorenzana.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.