700K AstraZeneca Covid-19 vaccines na donasyon ng Australia, dumating sa bansa ngayong araw
Spread the news on:

Dumating na sa bansa ang nasa 700,000 doses ng AstraZeneca coronavirus disease (COVID-19) vaccine na donasyon ng Australia kaninang umaga.

Bandang alas 9: 45 ng umaga lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang eroplanong may sakay ng mga nasabing bakuna, ayon sa National Task Force against COVID-19.

Dumating ang karagdagang bakuna ilang araw matapos simulan ng gobyerno ang pagtuturok ng booster shots sa senior citizens at persons with comorbidities.

Nauna nang nabakunahan ng booster shots ang mga healthcare workers.

Samantala, dinagdagan ng pamahalaan ng South Korea ang pandemic assistance nito sa Pilipinas.

Nasa 539,430 doses ng AstraZeneca vaccine ang nakatakdang dumating ngayong buwan sa bansa mula sa Korea.

“The Embassy of the Republic of Korea is happy to support the Philippine government as it seeks to inoculate 15 million Filipinos during the National COVID-19 Vaccination Days from November 29 to December 1, 2021,” pahayag ng embahada ngayong Miyerkules.

“The donation is part of the joint efforts made by Korea and the Philippines to protect public health and support the local response to Covid-19 in the Philippines by vaccinating Filipino people.”

Sa kasalukuyan ay nasa 33.8 milyong Pilipino na ang fully vaccinated laban sa virus, habang 42.6 milyon naman ang nabakunahan na ng first dose.

(Toni Tambong)

 

 

 

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.