Resupply mission, ligtas na nakarating sa BRP Sierra Madre sa Ayungin shoal ayon sa Palasyo
Spread the news on:

Inanunsyo ng Malakanyang na nakarating na ang Philippine supply vessels sa  Ayungin Shoal sa West Philippine Sea, isang linggo makalipas ang insidente ng pagharang ng Chinese coast guard at pagbomba nito ng tubig.

“Dumating na ang resupply boats sa Ayungin Shoal at nakarating na ang supply sa BRP Sierra Madre ngayong tanghali,” ani Acting presidential spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.

Kinumpirma rin mismo ni Armed Forces Western Command chief Vice Admiral Ramil Roberto Enriquez na ligtas na nakarating sa Ayungin Shoal ang nasabing vessel.

“Resupply boats safely arrived BRP Sierra Madre at 11AM. No untoward incident.”

Kahapon, matapos ang halos isang linggo nang mangyari ang Ayungin incident, kinondena ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aksyon ng Tsina.

“We abhor the recent event in the Ayungin Shoal and view with grave concern other similar developments,” ani Pangulong Duterte.

“This does not speak well of the relations between our nations and our partnership,” giit ng Pangulo sa talumpati sa ASEAN-China special summit.

Ang Department of Fireign Affairs, kaagad namang naghain ng protesta sa ginawa ng China sa resupply mission noong isang linggo.

Mariing kinondena nina foreign affairs secretary Teddy Locsin at mga opisyal ng militar ang naging akyon ng China nang araw na iulat ang insidente.

 

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.