Presidential aspirant Marcos Jr., nagpa-drug test; negatibo umano ang resulta
Spread the news on:

Ibinalandra ng kampo ni dating senador at ngayon ay presidential aspirant, Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr., ang negatibong resulta ng kanya umanong drug test.

(Photo courtesy: Atty. Vic Rodriguez)

Ginawa ito ni Marcos Jr. ngayong araw, Martes, Nov. 23, matapos umano siyang sumailalim sa drug test kahapon sa isang ospital sa Metro Manila.

Ibinigay na ni Marcos ang kopya ng resulta ng drug test sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine National Police (PNP).

Ayon kay Marcos Jr., nagdesisyon siyang sumailalim sa drug test makaraang magpasaring si Pangulong Rodrigo Duterte na mayroon umanong isang presidential candidate na gumagamit ng cocaine.

(Photo courtesy: BBM Media Team; Hawak ni Atty. Vic Rodriguez, ang Chief-of-Staff ni Bongbong Marcos ang resulta ng drug test ng dating senador na isinumite sa National Bureau of Investigation (NBI).

“Pagkatapos ng salita ni Pangulo. Eh di lahat tayo magpa-drug test. Eh di inunahan ko na,” pahayag ni Marcos Jr.

(Toni Tambong)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.