Crafts competition, inilunsad ng DTI-CAR sa pagdiriwang ng Ibagiw Creative Festival 2021
Spread the news on:

Inilunsad ng Department of Trade and Industry-Cordillera Administrative Region (DTI-CAR) ang Ibagiw Creative Crafts Competition 2021.

Kaugnay pa rin ito ng isang buwang pagdiriwang ng Ibagiw Creative Festival sa Baguio City ngayong Nobyembre.

“The Creative Crafts Competition is designed to motivate new waves of product lines out of conventional products,” ayon kay Mrs. Juliet Lucas, DTI-CAR regional director.

Mahigit 40 entry ang maglalaban-laban ngayong taon para sa pinakamahusay na creative product.

Limang kategorya ang pagpipilian: metal works, woodcarving, textile weaving, baskte weaving at yarn craft.

Panauhin sa opening ng kumpetisyon na ginanap sa DTI OTOP-Hub sina Pangasinan 4th distric representative Christopher De Venecia at Bataan 1st district representative Geraldine Roman.

“The craftsmen and artisans are the heart and soul of Baguio city,” ayon kay Rep. De Venecia, chairperson ng house committee on creative industry and performing arts.

Umaasa naman si Rep. Roman na mas madadagdagan pa ang suportang pinasyal sa mga creative endeavor ng Baguio city at magkaroon ng mga batas na lalong isusulong, hindi lang ang pagkamalikhain ng mga taga-Baguio kundi maging ibang lugar sa bansa.

Ang Ibagiw Creative Crafts Competition ay isa sa mga pangunahing dahilan ng pagdaraos ng Ibagiw Festival na naglalayong iangat ang buhay ng mga local artisans at crafts maker, hindi lang ng Baguio kundi ng buong Cordillera region.

Naka-display hanggang Nov. 28 ang mga entry sa kumpetisyon ngayong taon sa DTI-OTOP Hub, Upper Session Road, Baguio City.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.