Lacson-Sotto tandem, negatibo sa drug test ng PDEA
Spread the news on:

(Photo Courtesy: Office of the SP)

Negatibo sa drug test ng Philippine Drug Enforcememt Agency o PDEA ang magkatandem na sina senator Panfilo Lacson at senate president Tito Sotto .

Boluntaryong nagpa-drug test sina Lacson at Sotto ngayong Lunes, November 22.

Ang pagpapa-drug test ng magkatandem ay sa harap ng alegasyon na may kandidato na gumagamit ng cocaine.

Kaya makabubuting umanong magkaalaman na kung sino ang matapang na magpa-drug test.

Giit ni Sotto, nais nilang ipakita na, “we walk the talk” o ginagawa nila kung ano ang sinasabi nila.

Paliwanag pa ni Sotto, kumpleto ang test na ginawa sa kanila kung saan ay mababasa kahit na anong uri ng substance o iligal na droga meron sa katawan ng isang tao.

Ayon sa PDEA, ang test na ginawa kina Lacson at Sotto ay tinawag na “Multi drug one-step immunometric assay for the detection of drugs of abuse in urine”.

Matatandaang kamakailan ay sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na may isang kakandidato sa pagkapangulo ang gumagamit ng cocaine.

Dahil dito ay marami ang nagsabi na makabubuti na boluntaryo nang magpa-drug test ang mga kakandidato sa 2022 elections.

Si SP Sotto ay dati nang nagsulong na gawing mandatory ang pagpapa-drug test ng mga kandidato.

Pero ayon sa Korte Suprema, hindi ito pwedeng gawing mandatory at sa halip ay boluntaryo lang.

(Estrella Bueno)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.