Filipino olympian EJ Obiena, itinagging winaldas ang pondong ibinigay ng PATAFA
Spread the news on:

Itinanggi ni Tokyo Olympics pole-vaulter EJ Obiena na ginamit niya sa maling paraan ang umano’y pondo ng gobyernong tinanggap niya para tustusan ang kanyang ensayo sa abroad.

Giit ni Obiena na kargado siya ng mga dokumento na makapagpapatunay kung saan niya ginastos ang pondong inilaan sa kanya.

“All I can say, with documented evidence, is these rumors are 100 percent false and represent nothing more than character assassination,” saad ni Obiena sa kanyang post sa social media.

Dagdag pa niya na hindi ang pandemya o krisis ang magiging dahilan para magtulak sa kanya na masira ang kanyang pangalan.

“I have prided myself in embracing values of discipline, competitiveness, honor, transparency and respect. This doesn’t change even in times of crisis,” dagdag pa ni Obiena

Matatandaang pinasasauli ng Philippine Athletics track and Field Association (PATAFA) kay Obiena ang 85,000 euros o mahigit P4.8 million na umano’y bayad sa kanyang Ukrainian coach na si Vitaly Petrov.

Pinagpapaliwanag din si Obiena kung bakit siya hindi dapat alisin sa national team.

Inakusahan ng asosasyon si Obiena na umano’y nameke ng liquidations at nabigong bayaran si Petrov ng kanyang coaching fees.

Sa kabilang banda, mismong si Petrov ang nagsabing nabayaran siya nang buo.

“I have been paid the full sum by EJ both directly and indirectly, I have no problem with EJ,” pahayag ni Petrov.

Dahil dito, binalikan ni Obiena ang PATAFA at nagsumite ng reklamo sa Philippine Olympic Committee (POC), International Olympic Committee (IOC) at World Athletics.

Nagbanta rin siyang magreretiro na sa sports kung hindi umano maglalabas ang PATAFA ng public apology at agarang pagbawi ng akusasyong ibinabato sa kanya.

“I see it futile for me to continue with the current situation I have, therefore its more reasonable for me to consider other options, which is retirement,” giit pa ni Obiena.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.