Karen Davila at Lyca Gairanod, sanib-pwersa sa birthday charity project
Spread the news on:

(Photo courtesy: Lyca FB)

Nagsanib pwersa ang broadcaster na si Karen Davila at The Voice Kids Philippines Champion na si Lyca Gairanod sa kanilang birthday.

Tinupad ng broadcast journalist na si Karen Davila ang pangako niya sa batang singer na si Lyca na sagot niya ang party sa kanilang birthday.

Maaalalang nito lang August ay nag-viral ang “Oh my gosh, birthday ko rin yun!” video na kuha mula sa vlog ni Karen.

Maraming netizen kasi ang natawa sa reaksyon ng broadcast journalist nang malamang pareho sila ng birthday ni Lyca.

At nitong November 21 nga, ang ika-51 kaarawan ni Karen at 17th birthday naman ni Lyca ay isinakatuparan ni Karen ang kanyang pangako.

Aminado si Karen na na-pressure siya matapos na mag-viral ang video.

Pero sa halip na party, isang charity project ang ginawa ng dalawa bilang paraan ng pagse-celebrate ng kanilang kaarawan.

Paliwanag ni Karen, ayaw niyang maging tungkol sa kanila ni Lyca ang kanilang birthday, kaya sa halip ay naisip nilang tumulong at magbigay ng regalo sa iba.

Namigay sila ng 45 bisikleta, safety manuals, vests, shirts at helmet sa mga kapitbahay ni Lyca sa Tanza, Cavite. Katuwang din nila sa birthday project si Gretchon Ho at ang kanyang “Donate A Bike, Save A Job” project.

Namigay rin sina Karen at Lyca ng loading business starting kit na naglalaman ng cellphone at pocket wi-fi bilang panimulang negosyo.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.