Ilang European countries, ire-require ang 3 doses para maging fully vaccinated vs COVID-19
Spread the news on:

Kumikilos na ang ilang bansa sa Europe upang i-require ang 3 doses bago maituring na fully vaccinated laban sa COVID-19.

Ito ay dahil sa tumataas muli ang bilang ng infections sa Europe at katagalan ay nababawasan ang pagiging epektibo ng naunang doses ng bakuna, ayon sa ulat ng CNN.

“It’s very clear that getting three jabs — getting your booster — will become an important fact and it will make life easier for you in all sorts of ways,” ayon kay UK Prime Minister Boris Johnson.

Sa France, para sa mga edad 65 pataas, kailangan na ng booster shot upang ma-revalidate ang vaccination pass. Ito ang inanusyo ni French President Emmanuel Macron.

Sa Austria, itinuturing na expired ang full vaccination status siyam na buwan matapos matanggap ang ikalawang dose, kaya’t kailangan na ng booster shot.

Supply problem

Pero nangangamba ang global health experts dahil posibleng makaapekto ito sa supply ng bakuna para sa maliliit na bansa.

“It makes no sense to give boosters to healthy adults, or to vaccinate children, when health workers, older people and other high-risk groups around the world are still waiting for their first dose,” ayon kay World Health Organization (WHO) chief Tedros Adhanom Ghebreyesus.

Hinimok ng WHO ang mga bansa sa Europe na huwag umasa sa booster shots, at sa halip ay paigtingin ang health protocols laban sa COVID-19.

“If we look at low-income countries as a whole, less than 1% of the total vaccine supply has been delivered to those poorest countries, many of which are in Africa,” ayon kay Anna Marriott, health policy adviser ng Oxfam.

(PSH-NP)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.