Pasyente gumaling sa HIV nang walang gamot o treatment
Spread the news on:

Isang babae sa Argentina ang gumaling sa HIV nang walang gamot o treatment, ayon sa ulat ng BBC.

Paniwala ng mga doktor, kusang gumaling ang pasyente dahil sa kanyang immune system.

Nang suriin ang mahigit isang bilyong cells ng babae, walang natagpuang traces ng infection, ayon sa Archives of Internal Medicine.

Hindi pinangalanan ang pasyente alang-alang sa kanyang privacy, at kinilala lamang bilang “Esperanza patient”.

Ayon sa BBC report, kung mapag-aaralan ito nang husto, posibleng makahanap ang mga doktor ng paraan upang mapuksa ang HIV.

Maaaring magpatunay ito na may mga taong may natural na depensa o genes laban sa HIV.

Karaniwang kailangan ng HIV patients ng habambuhay na antiretroviral therapy (ART).

Isa pang pasyente sa London, na kinilalang si Adam Castillejo, ay gumaling din sa HIV matapos makatanggap ng stem-cell treatment para sa kanyang cancer, ayon pa rin sa BBC.

Paliwanag ng mga doktor, natuklasang ang stem-cell donor ay may natural na genes laban sa HIV.

“We are now looking toward the possibility of inducing this kind of immunity in persons on ART, through vaccination, with the goal of educating their immune systems to be able to control the virus without ART,” paliwanag sa BBC ni Dr Xu Yu, ng Massachusetts Institute of Technology at Harvard.

(PSH-NP)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.