“Harry Potter” stars magsasama-sama sa 20th anniversary TV reunion
Spread the news on:

Muling magsasama-sama ang stars ng “Harry Potter” na sina Daniel Radcliffe, Emma Watson at Rupert Grint para sa 20th anniversary TV special ng blockbuster film franchise, ayon sa Warner Bros.

Kabilang sa special ang mga iba pang cast members na sina Robbie Coltrane (Hagrid), Tom Felton (Draco Malfoy), Helena Bonham Carter (Bellatrix Lestrange), Gary Oldman (Sirius Black), at director Chris Columbus.

Ang shooting ng TV special na “Harry Potter 20th Anniversary: Return to Hogwarts” ay gaganapin sa film set ng pelikula sa London, at mapapanood sa January 1, 2022 sa streaming platform na HBO Max.

Magbabalik ang cast sa set ng Hogwarts school.

Hindi kabilang ang author ng “Harry Potter” na si J.K. Rowling sa announcement ng TV special.

Isa lamang ang TV retrospective na ito sa events na inihanda ng movie studio para sa 20th anniversary ng blockbuster film franchise.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.