Bagong species ng puno na kapamilya ng bayabas at endemic sa Pilipinas,  natuklasan
Spread the news on:

(Photo credit: Professor Edwino Fernando and Dr. Peter Wilson ng Australian Institute of Botanical Science to Telopea via Journal of Plant Systematics)

Nadiskubri sa Pilipinas ang bagong species ng Tristaniopsis sa Myrtaceae family o pamilya ng makopa, guava, at eucalyptus, ayon sa University of the Philippines – Los Baños (UPLB).

Ayon sa UPLB na ito ay endemic sa Pilipinas o sa bansa lang makikita.

Ang nasabing puno ay nadiskubre nina (UPLB) Professor Edwino S. Fernando, kasama si Dr. Peter G. Wilson ng Australian Institute of Botanical Science.

Ang kanilang pag-aaral ay nailathala na bilang journal article sa Telopea, ang Journal of Plant Systematics nitong Oktubre 29.

Sa kanilang datos, ang Tristaniopsis flexuosa ay isang maliit na puno na may taas na tatlong metro at partikular na makikita sa Mount Redondo, Dinagat Island.

Dagdag pa ng UPLB na tinawag itong ‘flexuosa’ dahil sa mga hindi ordinaryong balikong sanga nito.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.