Leyte at Samar ginunita ang ika-8 taon ng Super Typhoon ‘Yolanda’
Spread the news on:

(Photo credit: Tacloban City Information Office)

Ginugunita ngayong araw ang ika-walong taong anibersaryo ng  Super Typhoon “Yolanda”.

Matatandaang naging matindi ang iniwang pinsala ng Bagyong Yolanda sa mga probinsiya ng Leyte at Samar noong November 8, 2013.

Tinatayang aabot sa 7,000 ang mga namatay sanhi ng hagupit ng bagyo.

Marami ding pamilya ang nawalan ng tahanan dahil sa bagyo.

Ang Super typhoon Yolanda na may international name na “Haiyan” ay itinuturing na isa sa pinakamalakas na bagyo na naranasan sa mundo.

Isang misa ang isinagawa sa Palo, Leyte sa pangunguna ni Palo Archbishop John Du bilang pag-alala sa mga biktima ng Yolanda.

Ang mga misa sa lahat naman ng mga simbahan sa Leyte at Samar ay para sa kaluluwa ng mga libo-libong namatay dahil sa bagyo.

Nag-isyu rin ang mga local chief executive ng Leyte at Samar na nagde-deklara ng Lunes, November 8, bilang non-working holiday sa kanilang mga sari-sariling munisipalidad para mabigyan ng panahon ang mga opisyal at empleyado na mabisita ang mga puntod ng mga typhoon victim.

Ito rin ang panahon na nagsasagawa ng traditional pangade (prayer) para sa kanilang mga namayapang kamag-anak.

Matapos ang walong taon, unti unti nang nakababangon ang mga naging biktima ng bagyong Yolanda sa Eastern Visayas bagamat marami pa rin ang hanggang ngayon ay walang sariling tahanan dahil sa hindi pa natatapos na mga housing project.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.