3M Sinovac vaccine na pang-booster shot, dumating sa bansa
Spread the news on:

(Photo courtesy: Danilo Bacolod)

Naideliber na sa Pilipinas ang tatlong milyon pang Sinovac COVID-19 vaccine na siyang gagamiting pang-booster shot, ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr.

Lulan ng Philippine Airlines flight PR359 na lumapag kagabi sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 2 ang nasabing shipment.

“Ang nakikita natin preparation na rin natin ito sa gagawin nating vaccination for the third dose. Nag-announce na ang DOH for booster for our health workers, our senior citizens and those with comorbidities, immunocompromised, they have the option,” pahayag ni Galvez.

Ang dalawang milyon doses dito ay binili ng gobyerno habang anag isang milyon dose ay donasyon naman ng China.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.