Mayor Sara Duterte, hindi tatakbong presidente; Hugpong ng Pagbabago, ikakampanya si Bongbong Marcos bilang presidente
Spread the news on:

 

Hindi tatakbong presidente si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio sa 2022 elections, ito ang iginiit niya ngayong Linggo, October 24.

“No, I don’t have plans to run for president,” pahayag ni Mayor Sara sa panayam ng mga reporter sa Country Club sa Liloan, Cebu.

Wala ding inihayag ang alkalde tungkol sa naging meeting niya kay dating Senador at ngayon ay tatakbong presidente na si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

“I cannot comment on that, but you can ask him since he is the one, who is a candidate for national position,” dagdag pa ng alkalde.

Sa kabilang dako, sinabi ni Mayor Sarah na pinag-usapan nila ni Bongbong kung paano makatutulong ang Hugpong ng Pagbabago (HNP) sa kandidatura ni Marcos sa Davao City.

Ang HNP ay ang political party na itinatag ni Mayor Sara.

Matatandaang dumating sa Cebu si Mayor Sara noong Biyernes, October 22.

Ito rin ang kaparehong araw na bumisita rin ang presidentiable na si Bongbong Marcos sa lalawigan,

Muling nagkaroon ng ispekulasyon tungkol sa posibleng pagtakbo ni Mayor Sara sa national position 2022 elections nang makita sa kaniyang Faceboook post ang suot na hoodie na may nakasulat na “Sara All 2022”.

Samantala, kinumpirma ni Mayor Sara na opisyal ang kaniyang pagbisita sa Cebu bilang guest speaker sa dalawang magkasunod na event ngayong Linggo –ang inagurasyon ng Liloan New Port at General Assembly ng League of Municipalities of the Philippines-Cebu Chapter (LMP-Cebu).

Ang pagbisita ni Mayor Sara sa Cebu ay kasabay din ng pagbisita ni Bongbong Marcos para naman sa pagbubukas ni Marcos ng kanyang campaign headquarters sa Cebu.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.