Dolomite beach, isasarado na tuwing Biyernes; karagdagang pagbabago ipatutupad
Spread the news on:

(Photo: Christian Heramis)

Magpapatupad ng karagdagang pagbabago ang pamunuan ng Manila Bay sa susunod na mga araw.

Ayon kay Jacob Meimban Jr., Deputy Executive Director of the Manila Bay Coordinating Office, ang Dolomite Beach ay isasara tuwing Biyernes para sa maintenance.

Lilimitahan din ang mga papasok na tao upang maiwasan ang hawahan o pagkalat ng COVID-19.

“Una diyan gusto naming ipaalam sa publiko na magsasarado po kami tuwing Biyernes ng buong araw. Bigyan niyo kami ng isang araw yung Dolomite beach dahil sa libo-libong tao pumapasok,” pahayag ni Meimbam.

Upang maiwasan naman ang paglalangoy ng mga taong nagtutungo sa Manila Bay, sinabi ni Meimban na ang kanilang beach ground commanders ay inatasan nang pigilan muna ang mga bisita na pumapasok sa Pedro Gil entrance dahil na rin sa pangamba na maging superspreader ang pagdagsa ng mga tao sa tinawag na Dolomite Beach.

Pinayuhan ang mga bisita na magtungo sa Remedios gate at maghintay muna ng isang oras bago palitan ang mga palabas namang mga beach goers.

Dagdag pa ni Meimban, dinoble na rin ang bilang ng pulis at marshalls para sa pagpapatupad ng social distancing.

Binanggit din ng opisyal na pinag-aaralan pa ang panukala o mungkahi sa pagsasara ng Dolomite beach upang maiwasan ang pagdagsa mga tao sa Manila Bay habang pinagagaan ng gobyerno ang COVID-19 restrictions.

(Jocelyn Domenden)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.