DOH, hinikayat ang mga magulang na pabakunahan ang mga anak kontra-Polio
Spread the news on:

Hinikayat  ng Department of Health (DOH), World Health Organization (WHO), UNICEF at Rotary International ang lahat ng magulang na pabakunahan ang kanilang anak laban sa sakit na polio .

Ito ay kasabay ng pagdiriwang ng World Polio Day ngayong October 24.

Noong June 2021, inanunsyo ng Pilipinas ang pagtatapos ng polio outbreak sa bansa kasunod ng 18 buwang outbreak, kung saan nakapagbakuna ng 11 milyong bata na karamihan ay tumanggap ng polio drops sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Sa Pilipinas, ang mga bata na isang taon pababa ay nakatanggap ng unang dose ng polio vaccines sa isinagawang routine immunization–tatlong doses ng polio drops at isang dose ng inactivated polio vaccine.

Gayunman, noong 2020 halos kalahating milyong batang Pilipino ang hindi nakatanggap ng oral polio drops para sa routine immunization dahil sa hamon sa health services sa panahon ng pandemya.

Oct 13,2021 nang muling inilunsad ng DOH  ang immunization campaign na sinimulan sa National Capital Region.

Layon ng kampanya na maabot ang mga bata na edad dalawang taon pababa na naipagpaliban ang vaccine doses kabilang ang para sa polio.

“While we have successfully eradicated polio, we have to ensure that there will never be an outbreak again and it begins with vaccination. We call on the parents to ensure that your child gets their routine immunization so they can be protected against polio and other vaccine-preventable diseases. This month, the DOH has launched the ‘Catch-up Routine Immunization’ to ensure delivery of National Immunization Program services to children. Ang mga bakuna po for routine immunization ay ligtas at libre, makipag-ugnayan lamang po sa local health centers sa inyong lugar,” ayon ka Health Secretary Francisco T. Duque III.

“Once a commonplace illness, polio has been eliminated from most countries, including now again in the Philippines. This shows the power of vaccines to save lives and protect people from diseases such as polio,” sabi naman ni World Health Organization Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe.

“Every disease outbreak strains our resources  ̶  most importantly our health workers  ̶  especially when they are challenged with responding to a pandemic. We should do everything necessary to prevent another outbreak of polio or any other vaccine-preventable disease such as measles, rubella, diphtheria. The lives and health of our children are at stake. Our plea to parents: please ensure that your children have received all the routine childhood vaccines including polio doses as we prepare for them to go back to schools and early learning centres,” dagdag pa ni Dr. Abeyasinghe

“We have already come so far in our fight against vaccine-preventable diseases. We call on the whole of society to intensify polio immunization to sustain our gains and prevent the further decline of polio immunization coverage. Our shared accomplishments solidify the message that with our joint efforts, vaccines can be delivered safely even during the pandemic,” pahayag naman ni  UNICEF Representative Ms Oyunsaikhan Dendevnorov.

“Vaccines work – the fact that we are close to ending polio is proof of this. However, we are not yet there and we must fulfill our promise to children to make the world polio-free. We still need to intensify our campaign to raise awareness and raise funds for polio. By doing these together, we can END POLIO NOW,” saad naman ni  Ms. Mary Anne Alcordo Solomon, Rotary International Zone 10A (Philippines) End Polio Now Coordinator.

Ang WHO, UNICEF at Rotary International ay kabilang sa mga katuwang sa Global Polio Eradication Initiative, isang public-private partnership na pinangungunahan ng  national government.

Ang iba pang GPEI partners ay ang US Centers for Disease Control and Prevention (CDC), at ang  Bill & Melinda Gates Foundation.

Bukod sa pagbabakuna, nakikipagtulungan din ang DOH sa mga katuwang para palakasin ang environmental at Acute Flaccid Paralysis surveillance sa buong bansa para matukoy ang poliovirus.

Sa buong mundo, nananatiling endemic ang polio sa dalawang bansa lamang – Afghanistan at Pakistan. Kapag ang mga bansang ito ay naging polio-free, ang polio ay magiging pangalawang sakit na kasunod ng smallpox na napuksa.

(Jocelyn Domenden)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.