DOH: Halloween at Christmas party, pinapayagan pero sa sariling bahay lang kasama ang pamilya
Spread the news on:

Pinapayagan na ang pagdaraos ng Halloween at Christmas party sa bansa, ayon sa Department of Health (DOH).

Ito ay sa isang kondisyon—na gagawin lang ang mga party sa sariling bahay na pamilya lang ang kasama.

“Mass gatherings are still prohibited, [but those taking place] within the bubble of the family are allowed, but safety protocols needed to be implemented,” paglilinaw ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire.

Ipinaalala rin ni Vergeire sa publiko na dapat umiwas pa rin sa 3Cs o closed, crowded, close-contact na mga lugar.

“I-recognize natin ‘yan na ‘yan po ang mga pinakamagbibigay ng impeksiyon sa pamilya,” giit pa ni Vergeire.

“Kung merong may sintomas, huwag na muna tayong mag-attend ng mga ganitong party,” dagdag pa ng opisyal.

Pinaalalahanan din ni Vergeire ang mga 2022 political aspirant na magpatupad ng safety protocols sa kanilang campaign events.

“Paalala naman po sa ating local governments, alam naman po natin at naiintindihan natin na nagkakampanya na tayo. Sana tayo na po ang magkaroon ng responsibilidad na magkaroon ng ganitong safety protocols during our campaign period,” saad pa ni  Usec. Vergeire.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.