Carlos Yulo, muling nag-world champion sa men’s vault
Spread the news on:

(Photo Courtesy: PSC)

Nakuhang muli ni Carlos Yulo ang gintong medalya sa men’s vault ng 2021 FIG Artistic Gymnastics World Championships ngayong araw, October 24, sa Kitakyushu, Japan.

Si Yulo ang unang nag-perform at nag-set ng bar kung saan naitala ang kanyang winning score na 14.916.

Malinis ang kinalabasan ng kanyang Dragulescu vault o front handspring double front with a half twist out sa ikalawang attempt sa score na 15.033.

Sa kanyang unang attempt naka-score siya ng 14.800 matapos niyang ipakita ang three twist bago lumapag.

Si Yulo ay unang natalo at bigong idepensa ang unang title sa floor exercise noong Sabado, pero nakuha naman ang ikalawang gold sa world championships matapos lumaban sa men’s parallel bars.

Nakuha ni Yonekura Hidenobu ng Japan ang silver medal sa score na 14.866 at naiuwi naman ni Andrey Medvedev ang bronze medal sa score na 14.649.

Taong 2019 nang unang makakuha si Yulo ng ginto sa gymnastics sa Southeast Asian Games.

 

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.