5,279 na bagong kaso ng Covid-19 naitala ngayong araw, October 24
Spread the news on:

Naitala ng Department of Health ang 5,279 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong araw, October 24.

Bahagyang bumaba ang kaso ngayong araw kumpara sa bilang ng nagka-impeksyon kahapon.

Umabot naman sa 2,756,823 ang kabuuang kaso ng nagkasakit sa bansa dahil sa virus.

Mayroon namang naitalang 7,312 na gumaling at 208 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 2.2% (60,957) ang aktibong kaso, 96.3% (2,654,173) na ang gumaling, at 1.52% (41,793) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 22, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Nagtala naman ang DOH ng positivity rate na 10.3% mula sa 52,881 tests.

Ang Pilipinas ay nasa ika-586 na araw na simula nang unang ilagay sa enhanced community quarantine ang ilang bahagi ng Luzon.

Samantala, ayon sa datos ng Philippine National Police (PNP), mas marami pang lugar ang ilalagay sa lockdown.

Sa kasalukuyan, mayroong 538 na lugar ang nasa ilalim ng granular lockdown sa bansa, kabilang ang 22,911 households oo 105,270 indibidwal.

Nakiusap naman ang PNP na iwasan pa rin ang mass gatherings sa kabila ng pagluluwag ng ilang restriksyon sa Metro Manila.

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.