Voting simulation, isinagawa bilang paghahanda sa 2022 elections
Spread the news on:

(Photo courtesy: Lente Philippines Twitter)

Nagsagawa ang Commission on Elections (Comelec) ng voting simulation ngayon araw, October 23, sa San Juan City bilang preparasyon sa 2022 elections.

Ginawa ito sa Barangay Balongbato at Ermitano.

(Voting simulation sa San Juan. Photo courtesy: Lente Philippines Twitter)

Ayon sa Comelec, layon ng nasabing simulation na malaman ang average time frame sa verification process ng voter identity sa Election Day Computerized Voting List, kung saan may 800 rehistradong botante sa bawat clustered precinct.

(Voting simulation sa San Juan. Photo courtesy: Lente Philippines Twitter)

Kasama rin sa inobserbahan ang minimum public health and safety protocols.

Sa isinagawang simulation process, ipinatupad ang mga sumusunod:

  • Lahat ng participants ay kailangang nakasuot ng face mask at face shield pagpasok sa paaralan
  • Kinukuhanan din ng body temperature para masigurado na walang lagnat na isa sa mga sintomas ng COVID-19

Naglagay din ng isolation polling place (IPP) para sa mga nakitaan ng sintomas.

“Kapag mayroon siyang symptoms… dadalhin siya sa IPP. After that he will be directed to the appropriate health officers,” pahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez.

Kapag ang botante ay nais pa ring bumoto sa kabila ng pagkakaroon ng sintomas, tutulungan siya ng polling staff.

Samantala, may mga standby COVID-19 marshalls para paalalahanan ang botante na sundin ang tamang physical distancing.

Dagdag pa ni Jimenez, malaki ang impact ng COVID-19 sa oras ng botohan at sa buong proseso ng eleksyon.

Ayon naman kay Comelec Deputy Executive Director for Oprerations Teofisto Elnas Jr., ang resulta ng isinagawang voting simulation at ang kanilang rekomendasyon ay isasama sa general instructions ng Comelec sa mismong araw ng eleksyon.

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.