Mayor Sara Duterte-Carpio at dating Sen. Bongbong Marcos, nagkita sa Cebu
Spread the news on:

(Photo courtesy: Mayor Inday Sara Duterte FB)

Kinumpirma ni Mayor Inday Sara Duterte-Carpio na nagkita na sila ni dating Senador Bongbong Marcos ngayong araw, Sabado, October 23.

Ibinahagi pa ng alkalde ang kanilang photo sa kayang Facebook page.

“Confirmed po na nagkita kami ngayon lang ni presidential aspirant at former Senator BBM sa masayang pagdiriwang ng birthday ni Cong. Yedda, maybahay ni House Majority Leader Martin Romualdez sa Cebu,” saad pa ni Mayor Sara sa kanyang FB post.

Naging usap-usapan na magtatagpo sa Cebu City sina Duterte-Carpio at Marcos na matunog na pinagtatambal ng ilan para sa eleksyon.

(Photo courtesy: Mayor Inday Sara Duterte FB)

“I invited Mayor Sara to attend the inauguration of our new Port in Liloan and to attend our League of Municipalities of the Philippines Cebu General Assembly,” paglilinaw ni Cebu Rep. Duke Frasco Liloan, “This is her official schedule.”

Kapansin-pansin ang pagdating sa Cebu City ni Duterte-Carpio kahapon, Biyernes, suot ang green hoodie na may katagang ‘Sara All 2022’.

Tiyempo naman ang pag-post ni Frasco ng larawan ng pagdating rin ni Marcos sa lungsod.

(Photo courtesy: Duke Frasco FB)

Samantala, ibinahagi rin ni Mayor Sara Duterte-Carpio sa kanyang Facebook ang litrato ng pagkikita nila ni Senator Imee Marcos sa Cebu City.

(Photo courtesy: Mayor Inday Sara Duterte FB)

Nauna nang sinabi ng senadora na “match made in heaven” ang posibleng tambalan ng north at south, o ang kapatid ng senadora na si Bongbong buhat sa Ilocos Norte at si Duterte-Carpio mula sa Davao City, para sa halalan sa susunod na taon.

(with report from Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.