Higit 1M doses ng Pfizer vaccine na binili ng gobyerno, dumating sa bansa
Spread the news on:

(Photo courtesy: PNA)

Dumating na sa bansa ang nasa 1,016,730 doses ng Pfizer COVID vaccine na nabili ng gobyerno, Biyernes ng gabi, October 22, sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3.

Ayon sa National Task Force Against COVID-19 (NTF), ang 101,790 doses nito ay ilalaan sa Cebu City, 813,150 doses naman sa Manila at 101,790 sa Davao.

Nagpasalamat naman si vaccine czar Secretary Carlito Galvez, Jr. sa pamahalaan ng Estados Unidos sa paghahatid ng naturang bakuna.

Nakatakda ring dumating ang dalawang milyong doses ng COVID-19 vaccines sa susunod na linggo mula sa Amerika sa pamamagitan ng COVAX Facility.

Matatandaang nitong Huwebes rin ay mahigit isang milyong doses ng COVID-19 vaccine mula rin sa Pfizer ang dumating sa bansa.

(Toni Tambong)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.