COVID-19 reproduction rate sa NCR, bumaba
Spread the news on:

Bumaba pa sa 0.45 ang COVID-19 reproduction rate sa National Capital Region, ayon sa OCTA Research, Sabado.

Ang reproduction number ay ang antas ng pagdami ng hawaan mula sa indibidwal na may impeksyon.

Mas mababa ito nang kaunti mula sa 0.46 na reproduction number kahapon, Biyernes, October 22.

Ayon sa pinakabagong monitoring report ng OCTA, bumaba na sa 996 mula sa 1,762 noong isang linggo ang seven-day average cases.

Bumaba rin sa 7% ang positivity rate mula sa 10% noong isang linggo.

(Photo courtesy: Dr. Guido David Twitter)

“Healthcare utilization (HCUR) for COVID-19 continued to drop to just 40%, from 47% a week ago, while ICU occupancy also decreased to 52%,” ayon naman sa tweet ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.