Bagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, Oct. 23, umabot sa 5,807
Spread the news on:

Nakapagtala ang Department of Health ng 5,807 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayong araw, October 23.

Halos pantay ito sa mga kaso kahapon na pumalo sa 5,823.

Bumaba rin ang bilang ng mga nasawi at tumaas naman ang bilang ng indibidwal na gumaling.

Dahil dito umakyat na sa 2,751,667 ang kabuuang kaso ng nahawahan ng virus sa bansa.

Mayroon namang naitalang 9,578 na gumaling at 65 ang pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 2.3% (63,051) ang aktibong kaso, habang nasa 96.2% (2,647,031) na ang gumaling, at 1.51% (41,585) naman ang ang pumanaw.

Ayon sa pinakabagong ulat ng DOH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 21, 2021 at dalawang laboratory ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.