Alec Baldwin, nagsalita na kaugnay sa fatal gun shooting sa kanyang pelikula
Spread the news on:

“I’m fully cooperating with the police investigation.”

Ito ang inihayag ng Hollywood actor na si Alec Baldwin matapos ang nangyaring pagbaril niya ng isang prop gun sa shooting ng kanyang pelikula na nagresulta sa isang nasawi.

Namatay si Halyna Hutchins, director of photography ng pelikula, at nasugatan naman ang director na si Joel Souza.

“There are no words to convey my shock and sadness regarding the tragic accident that took the life of Halyna Hutchins, a wife, a mother and deeply admired colleague of ours,” ang tweet ni Baldwin.

“I’m fully cooperating with the police investigation to address how this tragedy occurred and I am in touch with her husband, offering my support to him and his family. My heart is broken,” dagdag pa ni Baldwin.

Si Baldwin ay nasa New Mexico para sa pelikulang “Rust” kung saan siya ang bida at producer.

‘Cold gun’

Base sa imbestigasyon ng pulisya, inakala diumano ng assistant director na “cold gun” ang iniabot niyang baril kay Baldwin. Ibig sabihin ng “cold gun” ay walang tunay na bala o live ammunition.

Nang paputukin ni Baldwin ang baril sa rehearsal, tinamaan sa dibdib ang director of photography.

Dead on arrival si Hutchins matapos i-airlift sa ospital. Sugatan naman ang direktor.

Safety concerns

Batay sa report ng U.S. media, nagbitiw sa production ang ilang crew members dahil sa pangamba umano sa safety issues kabilang na ang gun safety procedures at hindi pagsunod sa COVID protocols.

“The safety of our cast and crew is the top priority of Rust Productions and everyone associated with the company,” pahayag ng Rust Movie Production.

Itinigil muna ang produksyon kabang isinasagawa ang imbestigasyon.

(NP)

 

 

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.