Mayor Sara Duterte-Carpio at Bongbong Marcos, kapwa nagpunta sa Cebu; 2022 tandem, niluluto na ba?
Spread the news on:

(Photo courtesy: Mayor Inday Sara Duterte FB)

(Updated)

Kinumpirma ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na bumisita siya sa Cebu ngayong araw, Biyernes, Oct. 22.

Kilala ang Cebu bilang vote-rich province.

Ibinahagi naman ni Mayor Sara sa kaniyang Facebook ang litrato kung saan makikita na suot niya ang green hoodie na may nakasulat na “Sara All 2022″.

Ito ang kalimitang ginagamit ng kanyang supporters na nag-uudyok sa kanyang tumakbo  bilang presidente.

“Confirmed po ang aking pagbisita sa Cebu. Kausap ko ngayon ang aking pinsan na si Cebu 5th District Board Member Red Duterte,” pahayag ni Mayor Sara.

Samantala, nasa Cebu rin si dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tumatakbo bilang Presidente, isa sa kanyang first provincial visits mula nang magdeklara ng kandidatura.

Sinalubong siya sa Mactan Int’l Airport ni Cebu 5th district congressman Duke Frasco, asawa ni Liloan mayor Christina Frasco na spokesperson naman ng grupong tumutulak sa Sara na tumakbong presidente.

Ayon sa report, nasa Cebu si Marcos para pasinayaan ang campaign headquarters doon at pangunahan ang panunumpa ng mga miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas.

Matatandaang naunang  sinabi ni Senador Imee Marcos, kapatid ni BongBong na possible ang tandem ng kaniyang kapatid at ni Mayor Sara.

Tinawag pa niya itong “marriage made in heaven” kung saan magsasama ang boto mula sa north at south.

Si Mayor Sara ay nakapaghain na ng kandidatura para sa muling pagtakbo bilang Mayor ng Davao City.

Pero ayon sa mga analyst, maaari pa siyang tumakbong presidente dahil ang substitute candidate ay hanggang November 15.

 

(NP)

 

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.