Bagong COVID-19 infections sa bansa, tumaas sa 5,823 ngayong araw, Oct. 22
Spread the news on:

Tumaas na naman sa ikalawang magkasunod na araw ang kaso ng Covid-19 sa bansa habang nasa ilalim ng Alert Level 3 ang Metro Manila.

Nakapagtala ang Department of Health ng 5,823 na panibagong kaso ng Covid-19 ngayon, October 22, kumpara sa 4,806 new cases noong October 21.

Tumaas din ang bilang ng nasawi kumpara kahapon.

Dahil dito umakyat na sa 2,745,889 ang kabuuang kaso ng nahawahan ng virus sa bansa mula nang magkapandemya noong 2020.

Mayroon namang naitalang 4,748 na gumaling at 283 na nasawi.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 2.4% (66,838) ang aktibong kaso, habang nasa 96.1% (2,637,531) na ang gumaling, at 1.10% (41,520) naman ang nasawi.

Ayon sa pinakabagong ulat ng DOH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong October 20, 2021 at dalawang laboratory ang hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Samantala, ngayong araw din umarangkada ang phase 2 ng pediatric vaccination program ng gobyerno para sa edad 12 hanggang 17.

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.