SWS: Kalahati ng mga Pilipino, naniniwalang mapanganib ang paglalabas ng mga balitang kritikal sa administrasyon pero hindi rin takot magsalita ng kontra
Spread the news on:

(Photo: SWS)

Halos kalahati ng mga Pilipino ang naniniwalang mapanganib ang paglalabas ng anumang balitang kritikal sa administrasyong Duterte kahit totoo.

Base iyan sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS)

Sa isinagawang survey mula Sept. 12 hanggang 16, 1,200 respondents edad 18 pataas ang tinanong kung sang-ayon sila sa statement na:

“It is dangerous to print or broadcast anything critical of the administration, even if it is the truth.”

Ang resulta, 45% sa respondents ang sang-ayon, 19% ang di sang-ayon, habang 29% ang undecided.

Gayunman, sa tanong kung sang-ayon sila sa statement na:

“I can say anything I want, openly and without fear, even if it is against President Duterte.”

Kabaligtaran ang resulta kung saan 42% ang sang-ayon, 22% ang di sang-ayon, at 28% ang undecided.

 

(NP)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.