Pilipinas, may limang nominasyon sa 28th World Travel Awards
Spread the news on:

(Photo: Pixabay. Bohol, Philippines)

Nominado ang Pilipinas sa limang kategorya sa 28th World Travel Awards sa kabila ng COVID-19 pandemic.

Ayon sa Department of Tourism, kabilang sa mga nominasyon ng bansa para sa taong 2021 ang sumusunod:

  • World’s Leading Beach Destination
  • World’s Leading Dive Destination
  • World’s Leading Island Destination – Siargao Island, Surigao del Norte
  • World’s Leading Tourist Attraction – Intramuros, Manila
  • World’s Leading Tourist Board

Sa Leading Beach Destination category, makakalaban ng Pilipinas ang Jamaica, Maldives, Thailand, Cancun sa Mexico, Maui sa Hawaii, Miami Beach at Key West sa Florida, Diani Beach sa Kenya, Galapagos Islands sa Ecuador, Peleponnese sa Greece, Plettenberg Bay sa South Africa, Riviera Maya sa Mexico at iba pang destinasyon.

Maaaring magtungo sa website ng World Travel Awards upang makaboto.

Sa Oktubre 25 magtatapos ang botohan.

Noong isang taon, nanalo ang Intramuros bilang World’s Leading Tourist Attraction. Tinalo nito ang mga destinasyon gaya ng Taj Mahal sa India, Acropolis sa Greece, at Grand Canyon National Park sa U.S.

Nagwagi rin ng Leading Dive Destination and Pilipinas noong 2020.

Isa sa mga napuruhan nang matindi dahil sa COVID-19 pandemic ang industriya ng turismo.

Sa ganitong mga pagkilala ay umaasang maibabalik muli ang sigla ng turismo sa bansa kasabay ang ekonomiya sa mga naturang travel destinations.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.