Pagbabakuna sa mga edad 12-17 sa NCR, simula na bukas
Spread the news on:

Sisimulan na ang pagbabakuna para sa general population  kasama ang mga batang edad 12 hanggang 17 sa National Capital Region bukas, Biyernes, October 15.

Ito ang pahayag ni Metro Manila Council head at Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.

Sa panayam ng Dobol B TV kay Olivarez, sinabi niya na ang mga local government unit sa Metro Manila ay nakapagbakuna na ng hanggang 100% sa 70% na target population.

“Ang atin pong 30%, kasama po dyan yung ating mga minor yung 12 to 17 years old, na mag-uumpisa na rin po tayo this coming Friday doon sa malalaking hospital,” sabi pa ni Olivarez.

Dagdag pa ni Olivarez, pagkatapos aniya ng isang linggo ay itutuloy na ang pagbabakuna sa nasabing age group sa iba pang LGU hospitals.

Matatandaang mayroon nang walong ospital na tinukoy para sa pagbabakuna sa mga kabataan.

Ito ay ang mga sumusunod:

Philippine Children’s Medical Center,

National Children’s Hospital,

Philippine Heart Center,

Pasig City Children’s Hospital,

Fe Del Mundo Medical Center,

Philippine General Hospital,

Makati Medical Center,

at St. Luke’s Medical center.

Uunahing bakuhanan ang mga batang mayroong comorbidities.

Ang Pfizer at Moderna Covid-19 vaccines naman na unang inaprubahan for emergency use authorization ang gagamitin sa pagbabakuna sa mga bata.

(NP)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.