OCTA: COVID-19 cases nationwide, posibleng bumaba sa 3,000 kada araw sa December
Spread the news on:

(File photo: Mga magpapabakuna sa isang mall sa Quezon City)

Posibleng bumaba sa 3,000 hanggang 4,000 kada araw ang COVID-19 cases sa buong bansa pagsapit ng December, ayon sa OCTA Research group.

Kung ikukumpara sa kasalukuyang datos, pumalo sa 7,181 ang bilang ng kaso kahapon, October 13, sa buong bansa.

Ang arawang kaso naman sa Metro Manila ay posibleng bumaba sa 400 hanggang 600 sa December, dagdag pa ng OCTA.

“By November, we are projecting an average of 6,000 new cases per day in the country. By December this could go down to 3,000 or 4,000, but it depends if the trends continue,” ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David sa panayam ng Inquirer.

“In NCR (National Capital Region), we could be at less than 1,000 (cases) per day by November and 400 to 600 by December,” sabi pa ni David.

Ayon pa kay David, ang pinakabagong projection ay mas mababa kaysa unang estimate noong September 29.

Sa kasalukuyan, ang seven-day average ng bagong COVID-19 cases sa NCR ay umaabot sa 1,933. Ito na ang pinakamababa simula pa noong July 31 hanggang August 6, ayon pa sa eksperto.

Kahapon lang, inanunsyo ng gobyerno ang pagluluwag sa ilang restrictions sa quarantine status sa bansa dahil sa patuloy na pagbaba ng mga kaso ng COVID-19.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.