Mga sinehan sa Metro Manila, magbubukas na sa ilalim ng Alert Level 3
Spread the news on:

(Update 1)

Magbubukas na ang mga sinehan simula Oktubre 16 matapos aprubahan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF) ang pagbaba sa Alert Level 3 ng National Capital Region (NCR).

Sa ilalim ng Alert Level 3, pinapayagang mag-operate ang cinemas o movie theaters, amusement parks o theme parks, recreational venues katulad ng internet cafes, bowling at billiard halls, amusement arcades, skating rinks, at tourist attractions gaya ng museums, galleries at exhibits, fitness studios at gyms, at personal care establishments katulad ng barbershops at salons, ngunit 30% capacity lamang sa indoor venues at 50% capacity sa outdoor venues.

Basahin ang kabuuang IATF guidelines dito.

Ayon kay Interior and Local Government Undersecretary Jonathan Malaya sa panayam ng ANC (ABS-CBN News Channel), bawal ang magkatabi sa loob ng sinehan.

“30 percent indoor capacity for cinemas under Alert Level 3, and, since it’s only 30 percent, there will be seats in between moviegoers that will be left vacant,” ayon kay Malaya sa panayam.

Nauna namang sinabi ni Cinema Exhibitors Association of the Philippines (CEAP) head Charmaine Bauzon na umabot na sa P21 bilyon ang nalugi sa industriya ng pelikula dahil sa pandemiya.

“Kapag nagbukas po tayo dapat one seat apart muna, tapos the whole time na nanonood ng sine naka-mask iyong mga nanonood. Tapos wala munang kakain,” nauna nang sinabi ni Bauzon.

Matatandaang pinayagang muling magbukas ang mga sinehan noong Marso 2021 subalit kaagad na ipinatigil matapos muling tumaas ang COVID-19 cases.

Religious activities

Itinaas naman sa 30% capacity ang indoor religious activities sa NCR sa ilalim pa rin ng Alert Level 3.

Paglilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque, mga fully vaccinated lamang ang maaaring papasukin sa loob ng simbahan.

50% naman ang pinahihintulutan sa religious activities sa outdoor venues kahit ano pa ang vaccination status.

Magugunitang 10% lamang ang pinahintulutang capacity sa indoor religious activities sa ilalim ng Alert level 4 sa NCR.

(Toni Tambong)

 


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.