Mahigit P600-M pinsala sa agrikultura dahil sa bagyong Maring
Spread the news on:

Umabot na sa P608.50 milyon ang halaga ng pinsalang dulot ni bagyong Maring sa sektor ng agrikultura, ayon sa  Department of Agriculture (DA).

Sa kasalukuyang datos ng DA, 29,063 na magsasaka at mangingisda ang lubhang naapektuhan na nagresulta sa pagkalugi ng 36,354 metric tons ng kalakal at 32,882 ektarya naman sa agrikultura ng Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region, at  Western Visayas.

Kasama sa mga apektadong kalakal ay ang bigas, mais, high-valued crops at mga isda.

Sa ngayon, tinutukoy at inoobserbahan pa ng DA ang mga field offices nito kung gaano kalaki ang pinsala ng bagyong Maring sa agri-fishers sector.

Samantala, patuloy namang nakikipagtulungan ang ahensya sa mga local government units (LGUs) at sa Disaster Risk Reduction Management offices (DRRM) upang masuri ang pinsala nito at iba pang pwedeng pagkunan ng tulong.

Sabi pa ng DA na sapat ang kanilang Quick Response Fund (QRF) para sa rehabilitasyon ng mga apektadong lugar at mamamahagi rin aniya ng bigas, mais at iba pang vegetable seeds sa mga rehiyon na apektado ng bagyong Maring habang ang mga gamot naman na kakailanganin ng mga manok ay ibibigay rin sa mga nangangailangan.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.