Health Sec. Duque, suportado ang panawagan ng mga doktor na huwag hadlangan ang pandemic supplies probe ng senado
Spread the news on:

Suportado ni Department of Health Secretary Francisco Duque III ang panawagan ng mga medical professionals na huwag pigilan ng Malacanang ang imbestigasyon ng senado tungkol sa umano’y iregularidad sa pagbili ng gobyerno ng pandemic supplies mula sa Pharmally Pharmaceutical Corp.

Sinabi ito ni Secretary Duque sa budget hearing ng senado.

Sa pagdinig sa panukalang budget ng Department of Health, tinanong ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si Duque kaugnay sa isyu.

Ayon kay Duque, suportado niya ang imbestigasyon ng senado para mapalabas ang katotohanan.

“Let me tell you that prior to the issuance of memo rider October 5… the DOH had a 100 percent attendance. Personally, I had attended 10 times of the 10 hearings prior to October 5,” ayon kay Duque,  “… I think the questions were relevant and to the point. I had answered to the best of knowledge and with the support of [DOH officials].”

Sinang-ayunan ng kalihim ang panawagan ng medical professionals na payagang tumestigo ang mga miyembro ng gabinete.

Gayunman sinabi ni Duque na hindi dapat maantala ang trabaho ng mga doktor sa gitna ng public health emergency sa bansa.

“I have discussed this with Senator Drilon if we can make adjustments and I will endorse or recommend to the President, say the frequency of attending the Senate Blue Ribbon Committee hearings,” ayon kay Duque sa panayam ng ANC.

“At least siguro once a week puwede na,” dagdag pa ni Duque.

Ayon kay Drilon, bukas naman ang senado na magpatupad ng adjustment sa ginagawang imbestigasyon upang hindi maparalisa ang trabaho ng gobyerno laban sa pandemya.

(Estrella Bueno)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.