Facility-based quarantine, hindi na kailangan sa international travelers sa bansa
Spread the news on:

(File)

Binago ng Inter-Agency Task Force ang mga panuntunan sa Green Lanes para sa mga international traveler na papasok ng bansa, simula October 14, 2021.

Ipinaliwanag ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang mga pagbabago:

Para sa fully vaccinated foreign nationals:

– kailangan ang negatibong RT-PCR test result na isinagawa sa loob ng 72 hours bago pa ang kanilang pag-alis sa bansang pinanggalingan.

Para sa mga balikbayan naman na kumpletong bakunado:

-maaaring mamili kung sasailalim sa quarantine based facility o hindi na depende sa pagkakaroon nila ng RT-PCR result bago dumating sa bansa.

“Upon arrival, no facility-based quarantine will be required but the passenger is enjoined to self-monitor for any symptoms until the 14th day. On the other hand, for fully vaccinated Filipinos, they can choose facility-based quarantine until the release of a negative RT-PCR test taken in the quarantine facility upon arrival, or no facility-based quarantine after getting a negative RT-PCR test within 72 hours prior to departure from the country of origin but the passenger is enjoined to self-monitor for any symptoms until the 14th day,” paliwanag ni Roque.

Para naman sa mga hindi bakunado, partially vaccinated, o hindi makumpirma ang vaccination status:

-kailangan na sumailalim ang mga ito sa facility-based quarantine hanggang sa lumabas ang negative RT-PCR test na isasagawa sa ika-limang araw.

Ang mga foreign national ay dapat na kumuha ng hotel reservations sa loob ng anim na araw.

Para naman sa mga unvaccinated o partially vaccinated minor children na bumiyahe kasama ang kanilang fully vaccinated na magulang o guardians:

-required na sumunod sa quarantine protocols na naaayon sa kanilang vaccination status.

-Ang magulang /guardian ay kailangang samahan ang bata sa quarantine facility para sa full term facility-based quarantine period ng bata.

Para naman i-validate ang kanilang vaccination status, ang mga overseas Filipino worker at ang kanilang asawa, magulang o mga anak na bibiyahe sa Pilipinas o sa ibang bansa, non-OFWs vaccinated sa Pilipinas at sa ibang bansa at mga dayuhan na bakunado ay maaaring mag-presenta ng alinman sa VaxCertPH digital certificate, Bureau of Quarantine (BOQ) / World Health Organization (WHO) –na ipinalabas ng International Certificate of Vaccination or Prophylaxis (ICV), o ng national digital certificate ng foreign government kung saan sila maaaring bakunahan.

Sa kaso naman ng dayuhan na binakunahan sa ibang bansa, maaari silang mag-presenta ng WHO-issued ICV, o national digital certificate ng foreign government na mayroong “accepted VaxCertPH” sa ilalim ng reciprocal agreement.

(Toni Tambong)


Spread the news on:

Leave a Reply

Your email address will not be published.